Dumoble ang bilang ng mga tourist arrivals para sa taong 2022 kumpara sa pre-pandemic na antas ng buong mundo sa mga nakalipas na taon.
Ayon sa kinatawan ng turismo ng United Nations, mayroong 917 milyong pandaigdigang tourist arrivals turista ng taong 2022, mula sa 455 milyong katao noong taong 2021.
Iniulat din ng World Tourism Organization na nakabase sa Madrid, na mas mataas ang kabuuang bilang ng mga ito kaysa sa kanilang inaasahang numero.
Gayunpaman, ang bilang ng mga tourist arrivals noong nakaraang taon ay 63 porsiyento pa rin ng antas na nai-post noong 2019 bago tumama ang pandemya ng Covid-19.
Kaugnay niyan, pinag-aaralan na ng mga awtoridad na maaari itong umabot sa 80 hanggang 95 percent para sa taong 2023.
Sa ngayon, umaasa ang United Nations Tourism body na mas lalong tataas ang bilang ng mga tourist arrivals mula sa iba’t ibang panig ng mundo kaugnay ng mga pagluluwag sa COVID-19 restrictions.