-- Advertisements --

ILOILO – Posibleng maapektuhan ng patuloy na pag-aalburuto at pagbuga ng abo ng bulkang Taal ang bilang ng turistang bubuhos sa Dinagyang Festival 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jobert Peñaflorida, presidente ng Iloilo Festivals Foundation Inc. (IFFI), sinabi nitong sa kabila ng kagustuhan ng IFFI na masaksihan ng lahat ang Dinagyang Festival, pinapangambahan pa rin nila ang patuloy na pag-aalburuto ng bulkan.

Ayon kay Peñaflorida, magsasagawa ng pagpupulong ang IFFI para pag usapan ang mga tulong na ibibigay sa mga biktima ng pagputok nga bulkang Taal.

Nagpaabot naman ng panalangin si Peñaflorida sa Sr. Sto Niño para sa mga apektado ng kalamidad sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa.