Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na mahigit isang milyong mga turista na bumisita sa bansa nitong Enero at Pebrero.
Ayon sa sa datos ng DOT na mayroong kabuuang 1,167,908 na mga foreign travelers ang bumisita sa bansa sa unang dalawang buwan ng taong 2025.
Ito ay mas mataas ng 0.96 percent o katumbas ng 1,156,771 na bilang sa parehas na buwan noong taong 2024.
Sa nasabing bilang ay 25 percent na mga foreign visitors ay mula sa South Korean na sinundan ng US, Japan, Canada at Australia.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga dayuhan na bumisita sa bansa ay mayroong pagtaas na kitang natanggap ng bansa.
Sinabi ni Tourism Secretaray Christina Garcia-Frasco, na kumita ang bansa ng $1.1 bilyon o katumbas ng P65.3 bilyon mula sa tourism activities, products at services.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naitala ng Pilipinas ang ‘all-time high’ tourism revenue ng bansa na aabot sa P760 bilyon.