-- Advertisements --
image 184

ang bilang ng mga pinaghihinalaang Chinese maritime militia vessels sa West Philippine Sea, ngunit isang barkong pandigma ng People’s Liberation Army ang nananatili sa lugar, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG spokesperson for West Philippine Sea Affairs Commodore Jay Tarriela, napansin nila ang pagbaba ng bilang ng mga pinaghihinalaang Chinese maritime militia vessels na naobserbahan sa Pag-asa island.

Aniya, mula 42 noong nakaraang linggo, labinlama na lamang ang nasa karagatan.

Ang Jiangdao Class warship ng People’s Liberation Army Navy at Chinese Coast Guard vessel 5203 ay patuloy na gumagala sa loob ng 12-nautical mile territorial sea ng Pag-asa island.

Kung matatandaan, noong 2016, pinawalang-bisa ng United Nations-backed Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang pag-angkin ng China West Philippine Sea.

Hinamon ng Pilipinas, sa ilalim ng administrasyon noon ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2013, sa korte ng Hague ang pag-aangkin ng China na pag-aari nito ang higit sa 80 porsiyento nito na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Brunei, Malaysia , Pilipinas, at Vietnam.

Ang tribunal ay nagpasya na ang pag-angkin ng China ay walang batayan sa internasyonal na batas at na nilabag nito ang soberanong karapatan ng Pilipinas na mangisda at mag-explore ng mga mapagkukunan sa West Philippine Sea.