-- Advertisements --
Usec. Juan Antonio Perez III
Usec. Juan Antonio Perez III, MD, MPH

Nanawagan ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa mga mag-asawang apektado ng enhanced community quarantine na panatilihing isaisip ang family planing gayundin ang responsableng pagpapamilya.

Ngayong mahigpit ang bilin ng pamahalaan sa publiko na manatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng COVID-19, sinabi ng POPCOM na mainam itong pagkakataon para mag-usap ang bawat pamilya sa mga responsibilidad ng mga magulang at ng mga kasamahan sa tahanan.

Subalit malaking hamon naman ayon sa POPCOM para sa mga magulang at magkabiyak sa buhay ang maiwasan ang unplanned pregnancy sa panahon ngayon dahil na rin sa kawalan ng access sa family planning supplies at services.

Kaya naman ayon kay Usec. Juan Antonio Perez III, MD, MPH ay patuloy na ilalaban ng POPCOM ang probisyon ng basic family planing services sa mga komunidad bilang bahagi ng essential services na kailangan ng mga mag-asawa at magkabiyak sa buhay para maiwasan ang aniya’y mas mahabang impact ng unintended pregnancies.

“We are uncertain as to when the health emergency caused by COVID-19 will abate. As such, we do not want to add on to the current situation with another possible crisis caused by unplanned pregnancies, as they could bear added weight to our already strained medical institutions,” giit ni Perez.

Aniya, kadalasang tumataas ang bilang ng kaso ng unplanned pregnancies tuwing mayroong kalamidad kung saan matagal na pagsasama ng mga mag-asawa at magkabiyak sa buhay.

Kaya naman ngayon ay hinihimok ng POPCOM ang mga local government units na mamahagi ng family planning supplies tulad ng pills at condoms na tatagal ng tatlong buwan.