Bumaba ang bilang ng volcanic earthquakes sa Bulusan Volcano sa Sorsogon sa walo mula sa 140 tatlong araw na ang nakalipas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang walong volcanic earthquakes ay naitala sa pagitan ng alas-12 ng umaga noong Martes at alas-12 ng umaga noong Miyerkules.
Naglabas din ang Bulkang Bulusan ng 202 tonelada ng sulfur dioxide noong Enero 18.
Ayon sa ahensya, pabagu-bago ang bilang ng volcanic earthquakes sa Bulusan Volcano at patuloy nila itong sinusubaybayan.
Tinitingnan ng PHILVOLCS ang iba’t ibang mga parameter, kabilang ang mga mataas na antas ng mga paglabas ng gas, ang pamamaga ng bunganga ng bulkan, at isang daloy ng tubig sa bukal. Kaya kung may patuloy na pagtaas sa mga parameter na ito at kung kailangang itaas ito sa Alert Level 2.
Dagdag dito, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulusan Volcano.
Nangangahulugan ito na ang bulkan ay kasalukuyang nasa mababang antas na may mas mataas na pagkakataon ng steam-driven o phreatic eruptions.