-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Enero 2025.

Ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, na mayroong 2.16 milyon Pinoy edad 15 pataas ang walang trabaho sa unang buwan ng 2025.

Mas mataas ito kumpara noong Disyembre 2024 na mayroon lamang 1.63 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho.

Paliwanag naman ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado , kada taon ay laging naitatala tuwing Enero kung saan natatapos ang Holiday season ay mataas talaga ang walang trabaho.
Nababawasan kasi aniya ang mga tinatawag na seasonal demand para sa mga manggagawa.

Nanguna naman ang services sectors sa dami ng mga mayroong empleyado na sinundan ng agricultural at industry at accounting sector.