-- Advertisements --
Umakyat sa 4.2 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong buwan ng Pebrero.
Sa Labor Force Survey na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 8.8% o katumbas ng 4.2 milyon ang nawalan ng trabaho nitong Pebrero kumpara sa 8.7% o apat na milyon noong Enero.
Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ito na ang ikatlong unemployment rate na pinakamataas mula noong Abril 2020 na umabot sa 17.6% noong kasagsagan ng nationwide lockdown.
Sa kabilan naman nito ay nadagdagan naman ang bilang ng mga nagkatrabahoa o nagkaroon ng negosyo noong Pebrero na mayroong kabuuang 43.2 milyon kumpara sa 41.2 milyon noong Enero.