-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa US matapos ang pagpapatupad ng lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Aabot na kasi sa 3.3 million katao ang nagparehistro para makakuha ng jobless benefits base yan sa datus ng Department of Labor.
Ang nasabing pagtaas ay bunsod sa pagpapasara ng maraming bars, restaurants, cinemas, hotels at gyms.
Ang nasabing bilang ay limang beses na mas mataas kumpara noong 2008 financial crisis.