-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagpagaling pa rin sa ospital ang isang bilanggo matapos na uminom ng asido sa loob ng Bambang Police Station sa Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaster Sgt. Joey Flores ng Bambang Police Station, sinabi niya na hindi binigyan ng baon na pagkain ng kanyang live-in partner si Jake Santos, 21 anyos at residente ng Homested Bambang Nueva Vizcaya na nag-udyok upang magtangkang magpakamatay

Una rito ay tumawag umano si Santos sa kanyang kinakasama at tinanong kung bakit walang ipinadalang pagkain.

Minasama ni Santos ang tila pag-abandona sa kanya ng kanyang kinakasama.

Dahil dito ay nagtungo si Santos sa palikuran ng kanilang selda at ininom ang nakitang asido na ginagamit sa paglilinis.

Agad namang isinugod sa ospital si Santos dahil patuloy ang iniindang panghihina at pananakit ng kanyang tiyan.