Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na magpapatuloy na ngayong buwan ang mga serye ng “confrontations” sa pagitan ng China at Pilipinas ukol sa West Philippine Sea.
Ayon kay Manalo, ang China ang magsisilbing host sa susunod na Bilateral Consultations Mechanism (BCM).
Unang isinagawa ang naunang dayalogo dito sa Pilipinas noong July 2, 2024 ngunit mula noon ay sunud-sunod na ang mga maritime incident na nangyari sa WPS kasama na ang kamakailan at ilang beses na pagbangga ng mga barko ng China sa pinakamalaking vessel ng Philippine Coast Guard, BRP Teresa Magbanua.
Bagaman hindi na nagsabi pa si Manalo ng ibang detalye ukol sa pulong, nananatili namang positibo naman ang kalihim na matalakay ang pinakahuling ramming incident na kiinasangkutan ng BRP Teresa Magbanua.
Una na ring sinabi ni Manalo na pinag-aaralan ng ahensiya ang posibleng paghahain ng panibagong kaso laban sa China, kasunod ng sinadyang pagbanga sa naturang barko.