Nagpulong ngayong araw ang foreign ministers ng China at North Korea bilang simula ng kanilang bilateral talks na itinaon sa ASEAN summit na ginanap dito sa Pilipinas.
Ginanap ang pagpupulong bago ang nakatakdang regional security meeting at isang araw matapos pumayag ang United United Nations Security Council na sampahan ng matinding sanctions ang Pyongyang dahil sa mga isinasagawang missile tests nito.
Batay sa report naging maayos ang pagpupulong ng dalawang foreign ministers at kapwa in good spirits ang mga ito.
Ang nasabing pagpupulong ay itinuturing na rare international get-together kung saan kabilang ang North Korea sa mga kalahok.
“All smile” naman si North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho habang nakikipagkamay sa kaniyang counterpart na si Wang Yi.
Sarado sa media ang pagpupulong ng dalawang foreign ministers.