-- Advertisements --


Hinahangad ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na maisulong sa mas mataas na antas ang bilateral ties ng Pilipinas at China.

Ginawa ni Pangulong Marcos Jr ang commitment na ito sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese Vice President Wang Qishan sa National Museum of Fie Arts na kabilang sa foreign delegations na personal na dumalo sa inagurasyon.

Inihayag naman ng Bise-Presidente ng China na malaki ang naiambag na kontribusyon ng pamilya Marcos para mapaganda ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas.

Ipinaabot din ni Wang ang willingness ng china na makipagtulungan sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapalakas ng mutual trust at pagpapalalim ng kooperasyon tungo sa modern ‘golden age’ sa bilateral ties.

Kaugnay naman sa isyu sa disputes sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas, iginiit ni Wang na kailangan ng dalawang bansa na maayos na maresolba ang pagkakaiba at tiyakin ang pagkakaroon ng kapayapaan at tranquility sa contested waters.

Top