Napakahalaga na mapirmahan ang bilateral agreement dahil makakatulong ito sa mapahalaan para matukoy kung may kontrol pa rin sa kanilang mga NPA units ang liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na pag nakaroon na ng lagdaan kung saan may mekanismo ng nakalatag at third party facilitators ay makikita na kung sino ba talaga ang may hawak at kontrol sa overall units ng NPA.
Sinabi ni Padilla na sakaling nagpatuloy pa rin ang mga marahas na pag atake ng rebeldeng grupo at hindi ito makokontrol ng kanilang liderato ay maliwanag na mali ang mga taong kinakausap ng pamahalaan para isulong ang kapayapaan sa bansa.
Pahayag ni padilla na duda ang militar na kontrolado pa rin ng CPP leadership ang lahat ng units ng NPA, ito ay dahil sa mga nakaraang mga insidente kung saan naghasik pa rin ng karahasan ang ilang grupo ng NPA kahit umiiral ang kanilang ipinatupad na unilateral ceasefire.
Isa sa mga dahilan kung bakit inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili nitong unilateral ceasefire dahil sa pagpatay sa mga sundalo na hindi naka uniporme sa Bukidnon.
Inihayag din ng pangulo na hindi magpapatuloy ang peacetalks ng pamahalaan sa CPP NPA NDF hanggat hindi napipirmahan ang bilateral ceasefire agreement.
Tiniyak ng militar na hanggat walang deklarasyon ng unilateral ceasefire, magpapatuloy ang kanilang opensiba laban sa rebeldeng grupo habang ongoing ang peace negotiations sa The Netherlands.
Giit ni Padilla na mandato ng hukbo ang pagkakaroon ng security operationspara protektahan ang sambayanan.