-- Advertisements --
Nagkamit ng bronze medal si US gymnast Simone Biles sa pagsabak nito sa balance beam ng Tokyo Olympics.
Ito ay matapos ang isang linggo ng magdesisyon na hindi sumali sa team competition sa Olympics.
Nagkaroon kasi ng problema sa kaniyang mental health.
Sinabi nito na hindi niya akalain na makapaglaro pa at ang napanalunang bronze ay mas matamis kaysa sa nakuha niya noong Rio Olymics.
Magugunitang nagkamit ng apat na gold medals at isang bronze si Biles noong Rio Olympics 2016.