NAGA CITY – Minaliit umano ni American undeafeted champion Keith Thurman ang kakayahan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao.
Ito ang isa sa dahilan kung kaya hindi napatumba ni Thurman si Pacquiao sa ibabaw ng ring sa naging laban kahapon sa Las Vegas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Prof. Cet Dematera, isang boxing analyst sa Bicol, sinabi nito na mas nangibabaw kasi kay Thurman ang mga
pagyayabang at pagpapaulan ng banat kay Pacquiao kung kaya hindi na nito na-anticipate ang totoong lakas at bilis na mayroon ang fighting senator.
Sa kabilang dako, hindi rin aniya imposible na ipilit ni Thurman ang rematch sa pagitan nila ni Pacquiao matapos madungisan nito ang kanyang malinis na boxing record.
Kung maaalala, pinahiya ni Pacquiao ang mga banat ni Thurman sa pamamagitan ng pagpapatahimik dito via split decison.