Malaki na raw ang pinagbago ng internet speed sa bansa ngayong 2019.
Sa Ookla Speedtest Global Index noong February 2019, lumalabas na nag-impove ang average download speed para sa fixed broadband sa 143.74 percent mula sa 7.91Mbps noong July 2016 hanggang 19.28Mbps noong Pebrero.
Gumanda rin umano ang average download mobile broadband speed sa 94.35 percent mula 7.44Mbps noong July 2016 hanggang 14.46Mbps noong February 2019.
Sa ngayon nasa ika-29 na puwesto ang internet speed ng bansa para sa fixed broadband at ika-33 sa 50 pagdating sa mobile sa Asian countries.
Sa 46 Asia Pacific countries, ang average download speed ng Pilipinas ay nasa ika-21 na puwesto para sa fixed broadband at pang-23 sa mobile.
Sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mas mabilis ang average download speed para sa fixed broadband ng Pilipinas kaysa sa Brunei, Indonesia, Cambodia at Myanmar.
Para sa mobile, mas mabilis ang internet ng bansa kaysa sa bansang Cambodia at Indonesia.
Asahan naman umanong mas gaganda pa ang internet speed sa bansa sa mga susunod na buwan bago pumasok ang third Telco player na Mislatel.
Maalalang kinilala ang Mislatel na provisional new major telco player.
Asahan din umanong mas maganda ang serbisyo ng third telco sa mas mababang presyo.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kumpirmasyon ng House of Representatives sa Senate version approval ng sale/transfer ng Mislatel pabor sa Udenna, Chelsea and Chinatel.
Para naman masiguro ang global competitiveness, nskikipag-ugnayan na rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga tower firms at naghahanap ng partner sa mga telcos para ma-fast track ang rollout ng common tower initiative ng pamahalaan.
Sa Memorandum of Understanding (MOU), ipinanukala ng DICT na pumirma sila ng kasunduan kasama ang NTC at mga telco company para matukoy ang mga lugar kung saan ilalagay ang mga commontowers.
Ang plano nila ay magtayo ng 50,000 common towers sa susunod na pitong taon kung saan target nila ang 3,000 sites kada taon.Nais naman nila itong dagdagan ng 10,000 sites mula year 5 hanggang year 7.