-- Advertisements --
bill melinda wedding
Bill and Melinda Gates wed on Jan. 1, 1994, and share three children

Humihingi ng space at privacy ngayon ang parehong panig nina Bill at Melinda Gates matapos kumpirmahin ng mga ito ang kanilang hiwalayan.

Sa isang tweet ay inanunsyo ni Bill Gates, co-founder at dating CEO ng Microsoft, na maghihiwalay na sila ng kaniyang maybahay na si Melinda makaraan ang 27 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na detalye kung ano ang mangyayari sa mga proyekto at foundations na itinayo at sinimulan ng dalawa.

1.37% ng Microsoft shares ang pagmamay-ari ni Bill Gates, katumbas ito ng mahigit $26 billion (P1 trillion). Kapwa rin nilang pinatatakbo ang Bill & Melinda Gates Foundation na layuning makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Noong nakaraang taon ay bumaba sa pwesto si Bill bilang miyembro ng board of members ng Microsoft kasabay nang patuloy na krisis na hinaharap ng mundo dahil sa pandemic. Bagkus ay inilaan na lamang nito ang kaniyang oras sa kanilang itinayong foundation na unang inilunsad noong taong 2000.

Ayon sa Forbes, si Bill Gates ang ikaapat na pinakamayamang tao sa buong mundo na may net worth na nagkakahalaga ng $124 billion (P5 trillion).

Nagkakilala sina Bill at Melinda sa Microsoft. Noong mga panahong iyon ay nagtatrabaho bilang marketing manager sa nasabing software company si Melinda kalaunan ay nagpakasal ang dalawa sa Hawaii noong 1994.

bill gates statement

Ang nakakagulat na anunsyong paghihiwalay ng dalawa ay ginawa dalawang taon matapos ding isapubliko ni Jeff Bezos, CEO ng Amazon, na maghihiwalay na rin sila ng kaniyang asawa.

Si Bezos ang may-ari ng Amazon na siyang mahigpit na kakumpetensya ng Microsoft sa cloud computing business.