-- Advertisements --
Nagkaroon ng imbestigasyon ang Microsoft board sa pagkakaroon umano ng karelasyon si Bill Gates sa isang babaeng empleyado nito noong 2019.
Ayon sa hindi na pinangalanang babaeng empleyado, ilang taon ding nagtagal ang sexual relationship nito sa Microsoft president.
Sinabi naman ng board na kumuha pa sila ng law firm para magsagawa ng imbestigasyon matapos na ibunyag sa pamamagitan ng sulat ang relasyon nito kay Gates.
Magugunitang umalis sa board si Gates noong March 2020 para matutukan na aniya ang kaniyang charity.
Maalalang nakilala rin ni Gates ang asawang si Melinda habang ito ay nagtatrabaho sa kompanya nito.
Noong nakaraang mga linggo ay inanunsiyo nito ang paghihiwalay nila matapos ang 27 taon na kasal.