CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangungunahan ni business magnate at software developer William Henry ‘Bill’ Gates III ang commitment na magbigay donasyon na pondo para magamit pambili ng mga bakuna para labanan ang coronavirus disease 19 na kinaharap na problema ng buong mundo.
Ito ay matapos nagkaroon ng Global Vaccine Summit via Zoom ang mga makapangyarihang bansa na inilunsad sa Europa.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Filipino molecular biologist Dr Don Valledor na umaabot sa $1.2 billion ang ibinigay na pledge ni Gates para magamit pambili ng mga bakuna.
Inihayag ni Valledor na nasa $8.8 billion ang nalikom na pledges mula sa world leaders na lumahok sa nasabing summit.
Kabilang sa nag-ambag ng kanilang pledge ay ang Japan na magbigay $600 million dollars; Australia na maglalaan ng 300 million dollars;Italya na nakahanda rin magbigay ng 120 million euros at mismong China sa kanilang 30 million dollars pledge.