-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naiuwi ng 18-year-old hit-maker na si Billie Eilish ang apat na major awards sa kakatapos na 62nd Annual Grammys na ginanap sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Itinanghal na Record of the year at Song of the year ang kaniyang awitin na “Bad Guy” at napanalunan din ni Eilish ang Album of the year para sa “When we all fall asleep, Where do we go?”
Ginawaran din siyang bilang “Best New Artist” para sa taong ito.
isa siya sa mga guest performers sa awarding ceremony at kinanta ang kaniyang awitin na “When the party’s over” na may mahigit 500-milyong views sa Youtube.
Si Billie Eilish ang pinakabatang grammy winner na nanalo ng apat na major awards sa kasaysayan ng Recording Academy.