-- Advertisements --

Inanunsiyo na ni American singer Billie Eilish ang petsa ng pagsisimula ng kaniyang world tour.

Kinumpirma ng singer ang pagsisimula ng show niya sa North America, Australia at Europe sa buwan ng Setyembre.

Makakasama niya dito ang mga environmental group para sa pag-organisa nito.

Magsisimula ang concert nito sa Canada sa Setyembre 29 bago dalhin ang show sa US sa Oktubre.

Magtutungo din ito sa Australia sa Pebrero at sa Abril naman sa Europa.

Mayroon din itong 12 show sa United Kingdom kabilang ang dalawang show sa Glasgow, anim sa London at apat sa Manchester.

Ang huling tour niya noong 2022 na “Happier Than Ever” ay kasama ang Reverb, isang non-profit organization na nagtatrabaho para sa promosyon ng sustainability sa music industry.

Kilala ang singer na climate campaingers at nais niya na ang mga show ay ‘climate positive” nais niyang mawala ang emmission kaysa sa binubuga nito.