-- Advertisements --

Ibinalik ng singer na si Billie Eilish ang kulay itim na buhok nito.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng singer ang larawan ng bagong kulay na buhok nito.

Kinulayan niyang itim ang kaniyang buhok bago ang pagsisimula ng kaniyang “Happier Than Ever” world tour.

Nakilala kasi ang 20-anyos na singer sa pagkakaroon ng kulay green na buhok mula pa noong 2020.

Ang “Happier The Ever” ay pangalawang studio album ng singer na naglalaman ng hit song nito na “My Future” at “Not My Responsibility” na inilabas noong Hulyo 2021.

Magugunitang humakot ng award noong 2020 Grammys ang unang album nitong “When We All Fall Asleep, Where Do We Go?”.