Tuloy na ang pagbilhin ng bilyonaryong Elon Musk ang Twitter sa halagang humigit-kumulang $44 bilyon.
Ang nasabing deal ay may potensiyal na palawakin ang imperyo ng negosyo ng bilyonaryo at ilagay ang pinakamayamang tao sa mundo na mamahala sa isa sa pinakamaimpluwensyang social media network sa mundo.
Ang Tesla at SpaceX CEO ay naging isa sa pinakamalaking shareholders ng Twitter, ngunit tinanggihan ng mga ito ang isang upuan sa board hanggang sa nagpakita ng kahandaan na bilhin na rin ang kompaniya ng mas mababa sa isang buwan.
Sa ilalim ng mga tuntunin ng deal, ang mga shareholder ay makakatanggap ng $54.20 na cash para sa bawat bahagi ng Twitter stock na pagmamay-ari nila, na tumutugma sa orihinal na alok ni Musk at nagtatakda ng 38% na premium sa presyo ng stock noong araw bago ihayag niya ang kanyang stake sa kompaniya.
Ang deal na inaprubahan ng Twitter’s board ay inaasahang maisakatuparan ngayong taon.
Una nang ihayag ni Musk noong nakaraang linggo na naka-line up siya ng $46.5 bilyon sa financing para makuha ang kompaniya.
Isa aniyang maliwanag na punto ng pagbabago na nagpilit sa board ng Twitter na seryosong isaalang-alang ang deal.
Nakipagpulong naman ang lupon noong Linggo upang suriin ang alok ni Musk.
Magugunitang si Musk ay may mahigit na 83 million followers sa nasabing platform.