-- Advertisements --
Jay Z @ Shawn Jay Z
Jay-Z in 2011

Magiging may-ari na rin ng isang National Football League (NFL) team ang sikat na rapper at bilyonaryo na si Shawn Corey Carter o Jay-Z.

Kung maaalala ang American na si Jay-Z, 49, na isa ring songwriter, producer, entrepreneur at record executive ay ang founder noong 2008 sa Roc Nation na isang entertainment company.

Inanunsiyo ng NFL.com na papasok na rin sa partnership ang singer sa NFL live games.

“Jay-Z is entering into a multiyear partnership with the NFL to enhance the NFL’s live game experiences and to amplify the league’s social justice efforts,” bahagi nang pahayag ng NFL.com.

Sinasabing “significant ownership” ang kukunin ni Jay-Z sa hindi pa naman pinangalanang team.

Kung sakali si Jay-Z na ang magiging first black team owner sa NFL history.

Gayunman agad itong binatikos ng ilang sektor sa Amerika.

Kabilang na ang pagpapagamit ni Jay-Z sa NFL na dati na ring umayaw sa ginagawa noong 2016 na protesta ng dating footballer na si Colin Kaepernick sa pamamagitan nang pagluhod tuwing inaawit ang US national anthem.

Kabilang sa bumanat kay Jay-Z ay si Nessa Diab ang partner ni Kaepernick.

“So really, how can Jay-Z and the NFL utter social justice in their partnership while keeping Colin unemployed because of his social justice work?”

Beyonce and Jay Z
Beyonce and Jay-Z.

Ang isa pang dating teammate ni Kaepernick at Carolina Panthers defensive back Eric Reid ay nagpaabot din ng Twitter message.

“Jay-Z knowingly made a money move with the very people who’ve committed an injustice against Colin and is using social justice to smooth it over with the black community.”