Pumasok na umano sa kasunduan ang pamilya Miller sa software giant owner na si Ryan Smith upang ibenta ang Utah Jazz at Vivint Smart Home Arena sa halagang $1.66 billion.
Si Smith, 42, ay matagal nang residente ng Utah at masugid na fan ng Jazz at founder-CEO ng Qualtrics na una nang naibenta sa halagang $8 billion.
Kinumpirma naman ni Smith na hindi sekreto ang matagal na niyang malaking interes sa Jazz team.
Inabot din ang Miller family ng 35 taon bilang may-ari ng team.
Sa naturang panahon malaki rin ang inaning tagumpay ng koponan na may record na 16 sa 50-win seasons, siyam na division titles at dalawang Western Conference championships.
Una nang inilagay ni Gail Miller, 77, ang team sa legacy trust noong 2017 para mapanatili ang prangkisa sa Utah.
Kabilang naman sa dalawang superstar players ng Jazz ay sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert na eligible na para pumirma sa contract extensions.
Kamakailan lamang ang head coach na si Quin Snyder ay lumagda na rin sa long-term contract, habang ang Jazz president na si Dennis Lindsey at general manager Justin Zanik ay mananatili sa kanilang puwesto.