-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer at tv host na si Billy Crawford dahil sa pagpanaw ng kaniyang amang si Jack.

Sa social media post nito ay nagbahagi siya ng mga larawan kasama ang ama.

Humingi ito ng kapatawaran sa ama dahil sa hindi niya ito nakapiling sa huling sandali nito.

Nagpaabot naman naman ng pakikiramay at pagdarasal ng mga kasamahan nito sa showbiz.