-- Advertisements --
Billy Crawford
Billy Crawford/ IG post

Nanguna si Billy Crawford sa mga local celebrities na nagbigay ng suporta sa Gilas Pilipinas para sa pagsabak sa FIBA World Cup.

Sa kaniyang social media account nag-post ng video ang singer/ actor habang ito ay nasa China at nanawagan ng suporta sa national team.

Ayon pa sa kaniya, napapanahon na dapat patunayan ng Gilas ang kanilang lakas kahit underdog ito kumpara sa mas malalaking teams at players.

Hindi rin naitago ng aktor ang kaniyang labis na kasabikan na manonood ng live sa unang laban ng Gilas ngayong araw kontra Italy.