-- Advertisements --

Sinentensiyahan ng kamatayan ang bilyonaryang si Truong My Lan sa kaniyang naging papel sa 304 trillion dong o $12.5 billion financial fraud case.

Nagsimula ang paglitis sa kaso ng naturang real estate tycoon noong Marso 5 at natapos ng mas maaga kesa sa inaasahan.

Ito ang isa sa madramang resulta ng kampaniya kontra korupsiyon na ipinangakong maipatupad ng lider ng ruling Communist Party na si Nguyen Phu Trong sa nakalipas na taon.

Base sa hatol kay Lan, chairwoman ng real estate developer na Van Thinh Phat Holdings Group, napatunayang nagkasala ito ng paglustay, panunuhol at mga paglabag sa mga banking rules sa pagtatapos ng trial sa business hubs sa Ho Chi Minh City.

Subalit base sa miyembro ng pamilya ni Lan, aapela sila laban sa sentensiya ng naturang real estate tycoon.

Samantala, 84 na defendants sa kaso ang senentensiyahan mula sa probation sa loob ng tatlong taon hanggang sa habambuhay na pagkakakulong.