Naging matagumpay ang ginawang paglipad sa kalawakan ng bilyonaryong si Jeff Bezos lulan ng kaniyang rocket ship na New Shepard.
Kasama nito ang kaniyang kapatid na si Mark Bezos, Wally Funk, 82-anyos at Oliver Daemen na isang 18-anyos.
Umabot ng mahigit 10-minue, 10-seconds ang biyahe ng rocket ship mula sa private launch site sa Van Horn, Texas bago lumapag sa lupa ang capsule.
Itinuturing na nagtala ng record ang nasabing paglipad kung saan mayroong pinakamatandang lumipad sa kalawakan si Funk at pinakabatang lumipad din si Daemen.
Si Funk kasi ay kabilang sa grupo ng kababaihan na lulan ng Mercury 13 noong 1960 na lumipad sa kalawakan.
Umalis sa kanilang pagkakaupo sina Bezos matapos na umabot ito sa Karman Line ang kilalang boundary ng space na mayroong 100 kilometers sa taas.
Nakaranasa ng apat na minutong walang timbang kung saan na-enjoy nila ang view sa ibabaw ng planeta.
Naghiyawan ang mga crew ng marating nila ang Karman Line.
Binati naman ng kapwa bilyonaryong si Richard Branson si Bezos dahil sa tagumpay na paglipad nito.
Noong nakaraang linggo ay lumipad rin sa kalawakan si Branson lulan ng kaniyang space rocket na Virgin Atlantic.