-- Advertisements --
image 143

Inanunsiyo ng Amazon.com Inc founder na si Jeff Bezos na ipamimigay nito ang mayorya ng kanyang $124 billion wealth habang siya ay nabubuhay pa.

Nang hindi nagbibigay pa ng karagdagang mga detalye, sinabi ni Bezos na siya at ang kaniyang partner na journalist-turned-philanthropist Lauren Sánchez ay nagbubuo ng kapasidad na maibigay ang perang ito.

Ang bilyonaryo ay nagtalaga ng $10 bilyon upang labanan ang climate change at protektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng Bezos Earth Fund, kung saan siya ang executive chair.

Kung magugunitang, binigyan ni Bezos ng $100 milyon ang country music star at philanthropist na si Dolly Parton sa pamamagitan ng “Bezos Courage & Civility Award”, isang karangalan na kumikilala sa mga lider na “nagsusumikap ng mga solusyon nang may tapang at civility.

Si Bezos, na nagbitiw bilang chief executive ng Amazon noong 2021, ay nagmamay-ari ng humigit-kumulang 10% ng ecommerce giant, kasama ang isang news organization at space tourism company Blue Origin.