-- Advertisements --
Ibinunyag ng bilyonaryong si Richard Branson na siya ay nagpapagaling na matapos dapuan ng COVID-19.
Sinabi nito na maging ang kaniyang asawang si Joan at ilang miyembro ng pamilya ay nagpositibo ng COVID-19 matapos sumailalim sa testing.
Naging katamtaman lamang ang epekto ng nasabing COVID-19 sa kanilang katawan.
Dahil dito ay patuloy na silang naka-isolate.
Hinikayat din nito ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19 at kung maaari ay magpa-booster shots na rin.