Ngayong pumanaw na ang basketball legend na si Kobe Bryant naglutangan na rin ang mga impormasyon kung gaano ito kayaman at kalaking negosyo ang naiwan.
Sinasabing ang legacy ni Bryant ay lampas lampasan mula sa basketball court hanggang sa tinatawag na business empire.
Sa kanyang edad na 41-anyos, tinawag na rin itong brand-builder dahil sa dala nitong malaking pangalan na kanyang iningatan.
Isa rin siyang investor, at kahit retired na ay coach pa rin siya sa ibang mga athletes at kasama rin sa mga founders ng ilang succesful company sa Amerika.
Noong 2013 bago siya nag-retire ay naging co-founder siya sa venture capital firm na Bryant Stibel.
Ang kompaniya ni Kobe ay meron ng mahigit na $2 billion in assets.
Ito ay may investments sa mga dosenang kompaniya sa technology, media at data companies.
Ang Bryant Stibel ay matagumpay na nagkaroon ng 10 successful exits, kabilang na sa bigating Dell at Alibaba.
Meron din itong investments sa Fortnite creator Epic Games, digital payment company Klarna at ang household products firm na The Honest Company.
Ang pagiging superstar athlete ay nagbigay daan kay Bryant para maging matagumpay na entrepreneur kung saan kumita rin ito ng millions of dollars sa sports drink na Body Armor.
Noong tanong 2016, naging founder si Bryant ng Granity Studios, isang media company na nakatutok sa creative storytelling sa sports.
Si Bryant ang sumulat at narrator ng short film na “Dear Basketball,” na nanalo naman ng Academy Award for best animated short film noong 2018.
Ang Granity ay naglabas din ng books for young adults, kasama na ang kanyang autobiography na “The Mamba Mentality: How I Play.”
Ang binuong brand ni Brant sa basketball na “Black Mamba mentality” ay nagbigay din sa kanya bilang isa sa bigating endorser ng sikat na sapatos na Nike o NKE at mahanay kay Michael Jordan.
Ilan pang mga global brands din ang inindorso ni Bryant.
Isa pa sa binuo ni Bryant ay ang Mamba Sports Academy na ang serbisyo ay magbigay ng athletic and lifestyle training sa mga competitors sa all levels ng maraming sports.
Nang bumagsak ang helicopter kung saan sakay si Bryant at ang kanyang anak na babae ay nagkataong patungo sila sa Mamba Sports Academy.