Nabulgar na bilyones na halaga ng ginto ang ini-smuggle papalabas ng Africa kada taon.
Ayon sa ulat ng Reuters, idinadaan umano ang iligal na paglabas ng gold sa pamamagitan ng United Arab Emirates sa Middle East.
Ang naturang lugar kasi ang nagsisilbing “gateway” sa iba pang mga merkado patungo ng Europe, United States at iba pa.
Batay umano sa Customs data, nagpapakita na ang UAE ay nag-angkat ng $15.1 billion na halaga ng gold sa Africa noong taong 2016.
Ito ay mas mataas pa sa $1.3 billion noong 2006.
Sinasabing ang kabuuang halaga ay katumbas ng 446 tonnes mula sa dating 67 tonnes lamang noong 2006.
Ang black market sa pag-smuggle ng gold ay estimate lamang at hindi umano eksaktong bilang.
Karamahan kasi sa record ng ginto sa mga African states ay wala namang maayos na pagtala.
Nagpapakita lamang daw ito ayon pa sa mga ekonomista na ang malaking halaga nang paglabas ng ginto sa Africa ay walang kaukulang pagbubuwis.