-- Advertisements --
GENE SIMMONS
Gene Simmons

Hindi nanghihinayang ang kilalang musician na si Gene Simmons kung bilyong bilyong dolyar na ang nalulugi sa industriya ng musika dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Kiss star, ayaw na niyang makarinig pa ng mga reklamo sa ipinatutupad na lockdown, kasabay nang pagtiyak na itutuloy nila ng banda ang farewell tour kapag mawala na ang pagkalat ng virus.

Ang 70-anyos na si Simmons ay isang American musician, songwriter, record producer, entrepreneur, actor, author at television personality.

Sa panayam sa kanya ng programang “Good Day L.A.” tinawag niya ang global crisis ngayon bilang “crazy time.”

Ngayon lamang daw siya naging malinis sa buhay at palaging naghuhugas ng kamay kasabay nang pagpapakita niya ng hand gloves at face mask.

Nagpaabot din ito nang pagsaludo sa mga fronliners na mga health workers.

Si Simmons ay kilala rin sa stage persona bilang The Demon.

Siya rin ang bassist at co-lead singer ng Kiss, ang rock band kung saan co-founder ang lead singer at rhythm guitarist na si Paul Stanley noong 1970s.