-- Advertisements --

DAGUPAN CITY- Maituturing na “threat” o banta sa bansa ang bilyong halaga ng cocaine na natagpuan sa iba’t-ibang karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sinabi nito na dapat mawala at mapigilan ang mga personalidad na nais magpasok ng cocaine dito sa Pilipinas dahil banta aniya ito sa bansa.

Ayon naman kay Esperon, wala pang natatagpuang floating cocaine sa Western part ng Luzon.

Mainam din aniya na sinusubaybayan ito ng media upang maging aware rin ang publiko.

Ayon pa kay Esperon, hindi biro ang halaga ng nasasabat na cocaine sa mga karagatan sa bansa kaya nararapat lamang na magtulungan ang mga kinauukulan.