-- Advertisements --

Inaasahang magiging fully operational na ang P68.2 billion Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) project sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy Batan, kasalukuyang 65% na ang natatapos sa naturang proyekto na magpapaiksi ng oras ng biyahe mula North Avenue, Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan mula sa 2 oras ay magiging 30 minuto na lamang.

Inaasahang masimulan ang partial operation ng tren sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ang MRT-7 ay mayroong anim na train sets na binubuo ng 18 train cars na idineliver sa bansa noong Disyembre 2021.

Ayon sa DOTr nasa 800,000 pasahero kada araw ang passenger capacity ng naturang tren at inaasahang sa unang taon nito ay aabot sa 300,000 pasahero ang maseserbisyuhan ng MRT7.