-- Advertisements --

Naging payak at simple lamang ang pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ng anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Sa social media account ng make-up artist ng TV host na si RB Chanco, ay nagbahagi ito ng larawan sa kaarawan noong Abril 19, 2025.

Sinurpresa ni Kris ang anak ng mga lobo at birthday cake.

Sa mensahe ng ina nito, sinabi niyang ipinagmamalaki ang anak dahil sa naging matulungin ito sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Naghost naman ng isang party para kay Bimby ang malapit na kaibigan ng pamilya Aquino na si Michael Leyva.

Ginanap ito sa bahay ng fashion designer sa lungsod ng Antipolo.

Dumalo sa nasabing okasyon ang ilang mga kalapit na kaibigan at kaanak ng mga Aquino.