-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isang binabae o miyembro ng LGBTQ community ang sumuko sa Digos Police Station matapos itong mag-viral sa social media na sumasayaw ng walang blouse at bra kung saan ang kanyang hubad na katawan ay nakita ng maraming tao.

Kinilala ng Digos PNP ang binabae na si Alias ​​​​Christian, 23-anyos at residente ng Bangkas Heights Toril District sa Davao City.

Matatandaan na unang nanawagan ang kapulisan ng Digos sa mga nakakakilala sa indibidwal na malaswang nagsasayaw kasabay ng pagdiriwang ng Sinag ng Digos noong Setyembre 5, 2022.

Makikita ang larawan ng isang babaeng walang damit habang sumasayaw ng malaswa at hinahampas-hampas pa ang kanyang puwet na tanging underwear lamang ang suot.

Ayon sa Digos PNP, kinasuhan na ang nasabing indibidwal ng paglabag sa Article 200 ng revised penal code Grave Scandal.