Isa ng ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area na nasa labas ng bansa at tinawag ito bilang bagyong “Kristine”.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang sentro ng bagyo ay nasa 1,255 kilometer ng silangan ng southeastern Luzon.
May taglay ito ng hangin na aabot sa 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70 kilometer per hour.
Magdadala ito ng malawakang pag-ulan sa Southeastern Luzon.
Sa pagtaya ng PAGASA na maaring nasa 985 kilometer na ng East ng Southeastern Luzon at sa loob ng 24 oras ay nasa 780 kilometer na ito sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Patuloy ang panawagan ng PAGASA na ipinagbabawal pa rin ang paglayag sa mga karagatan dahil sa nasabing dala ng hangin at ulan ng bagyo.