-- Advertisements --
Isa ng ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa silangang bahagi ng Taiwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tatawagin na itong bilang si bagyong “Dindo”.
Hindi aniya ito direktang makakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Dagdag pa ng PAGASA, na ang sentro ng bagyo ay nasa 560 kilometro ng northeast ng Itbayat, Batanes, na mayroong dalang lakas na hangin na aabot sa 55 kilometer per hour at pagbugso ng nasa 70 kph.
Inaasahan na sa araw ng Lunes ay magiging tropical storm na ito.