-- Advertisements --
Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, tatawagin na ito bilang bagyong “Julian”.
Ang nasabing bagyong Julian ay isa sa dalawang naunang binabantayang LPA nitong araw ng Huwebes.
Ang bagyo ay tinatayang nasa 535 kilometro ng silangan ng Itbayat, Batanes.
May taglay ito ng lakas na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Dahil dito ay makakaranas ng mga pag-ulan ang mga bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Island at Isabela.
Ang isang LPA ay nasa silangang bahagi ng sentral Luzon.