-- Advertisements --
Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong alas-10 ng gabi nitong Biyernes ng pumasok sa PAR ang binabantayang LPA na nasa 930 kilometro sa silangang Mindanao.
Malaki ang tsansa aniya nito na maging bagyo sa loob ng 24 na oras.
Patuloy ang ginagawang pag-iingat ng PAGASA sa publiko ukol sa nasabing sama ng panahon.