-- Advertisements --

Tumaas pa ang binabantayang low pressure area (LPA) na ngayon ay nasa silangan na ng Eastern Visayas.

Ayon sa Pagasa, maaari itong magdulot ng ulan at baha sa mas malaking bahagi ng bansa, ngayong halos nasa kalagitnaan na ng Pilipinas ang sirkulasyon nito.

Huling namataan ang LPA sa layong 125 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Maliban dito, nakakaapekto rin sa Central at Southern Luzon ang tail-end ng cold front, habang ang hanging amihan naman ang nagdudulot ng ulan sa Northern Luzon.