Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang binabantayang bagyo sa labas ng teritoryo ng Pilipinas na may international name na Tropical Cyclone Man-Yi ngayong gabi ng Huwebes, Nobiyembre 14.
Tinawag ito bilang bagyong Pepito.
Base sa 8 p.m. weather bulletin ng PAGASA, lumakas ang tropical cyclone bilang Severe Tropical Storm.
Inaasahang mag-landfall ang bagyong Pepito sa eastern coast ng Southern Luzon nitong weekend, sa araw ng Sabado, Nobiyembre 16 o sa Linggo, Nobiyembre 17.
Nakatakda namang maglabas ng Tropical Cyclone Bulletin ang bureau mamayang alas-11 ng gabi.
Samantala, ang isang pang bagyo na nasa loob ng PAR na Ofel ay patuloy na nagbabanta ng mga pag-ulan at malakas na hangin sa ilang parte ng northern Luzon.
Base sa 7 P.M report ng bureau, namataan ang mata ng bagyong Ofel sa coastal waters ng Santa Teresita, Cagayan.