CENTRAL MINDANAO-Pinanganak na may kapansanan ang isang binata sa probinsya ng Cotabato ngunit hindi ito hadlang para sa kanya na magsumikap sa buhay at makatulong sa pamilya.
Nais ni Ryan”Ipoy”Moralidad, 21 anyos at residente ng Barangay Sibsib Tulunan Cotabato na maiahon ang pamilya nito sa kahirapan.
Kaya mula sa kanyang murang edad at hanggang magbinata ay tumutulong ito sa kanyang magulang sa pag-uuling at sa kanilang sakahan.
Ang kanyang kakulangan ay hindi naging hadlang upang magpursigi sa buhay.
Sinabi ni Ipoy na siya ay patuloy na kumakayod para makatulong sa kanyang pamilya.
Maraming mga nitizen ang naantig ang puso kay Ipoy at tumulong para maibsan ang kahirapan nito sa buhay.
Isa na rito si Cotabato Vice-Governor Emmylou”Lala”Taliño Mendoza at buong serbisyong totoo.
Sinabi ni Mendoza na hindi hadlang ang anumang kapansanan kung ikaw ay may pangarap sa buhay.
“Si Ipoy ay magsilbing halimbawa sa bawat isa sa atin na tila nawalan na ng pag-asa sa buhay, na sa kabila ng kanyang kapansanan at kahirapan ay patuloy pa ring lumalaban. Saludo kami sayo Ipoy”ani Mendoza.
Ang Serbisyong Totoo ay kasama ni Ipoy at mga residente ng probinsya ng Cotabato para umangat sa buhay lalo na sa kahirapan.
LALAban sa buhay, LALAban para sa pamilya, ‘yan si IPOY!