-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 20-anyos na binata matapos makuryente sa Barangay Dayhagan, Pilar, Capiz.

Kinilala ang biktima na si John Dave Masbaño na nagtamo ng paso sa dibdib.

Ayon kay Police Corporal Jaypee Tomogda, imbestigador ng Pilar PNP, lumalabas sa imbestigasyon na abala sa paglalagay ng trapal sa labas ng kanilang bahay ang biktima para sa lamay ng amang namatay at maglalagay na sana ito ng ilaw ng bigla itong mangisay.

Napag-alaman na basa ang katawan ng biktima at walang suot na damit at tsinelas ng makuryente.

Dinala pa sa Jesus M. Colmenares District hospital sa bayan ng Balasan, Iloilo ngunit dineklara itong dead on arival ng doktor.

Umapela naman ng tulong ang pamilya ng biktima sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan, dahil dalawa na sila ng kanyang ama na paglalamayan sa ngayon.