ILOILO CITY – Depression at sakit sa kidney ang pinaniniwalaang motibo ng pamilya sa pagpakamatay ng isang binata na idinaan pa sa Facebook Live sa Ungka I, Pavia, Iloilo.
Ang biktima ay si alyas Rob, 26 at residente ng Barotac Nuevo, Iloilo at temporaryong nakatira sa Alta Tierra, Jaro, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Rolando Araño, hepe ng Pavia Municipal Police Station, sinabi nito na ang bayaw ng biktima ang unang nakakita ng Facebook live ni alyas Rob kung saan nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagtali ng lubid sa kaniyang leeg sa loob ng barracks sa construction company na kaniyang pinagtatrabahuan.
Agad na sumaklolo ang bayaw ng lalaki at pinuntahan ang biktima ngunit hindi na niya ito nadatnan ng buhay dahil nakabitay na ang katawan nito sa lubid.
Itinakbo sa pagamutan ang lalaki ngunit ideneklara ng doktor na dead on arrival na ito.
Ibinunyag naman ng pamilya ng biktima na malaki ang problema nito sa sakit sa kidney na nangin sanhi rin ng pagkakaroon nito ng depression.