CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang binata nang magbigti ito nang hiwalayan ng kanyang kasintahan sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Jerome Borbe Jison,22 anyos at residente ng Bagong Silang Caloocan City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan na lamang ng kanyang katrabaho na nagpatiwakal at wala ng buhay si Jison sa loob ng kanyang boarding hauz sa Brgy Sadaan Midsayap Cotabato gamit ang kumot na itinali sa kanyang leeg.
Dahil sa sobrang depresyon kinitil ng binata ang kanyang sariling buhay nang awayin at hiwalayan siya ng kanyang kasintahan.
Ebidensya din ang mga nakitang palitan ng text messages ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay.
Wala namang nakita foul play ang Midsayap PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Benito Rotia sa kanilang imbestigasyon sa pagpapatiwakal ng binata.