BUTUAN CITY – Patay na ng ma-abutan ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 ang isang ina na pinaniniwalaang sinakal ng kanyang binatang anak na nagbigti din pasado alas-onse kagabi sa loob ng kwatro ng kanilang bahay sa Purok 13, Brgy. San Vicente nitong lungsod ng Butuan.
Nakaharang na sa pintuan ang wala ng buhay na si Marlon Argawanun, 40-anyos, nakatira na sa Cabadbaran City, dahil sa kanyang pagbigti gamit ang tie wire at sa di kalayuan ay wala na ring buhay ang kanyang inang si Teresita Argawanon, 76-anyos, na nakatali ang mga kamay at paa at binalot pa ng t-shirt ang ulo.
Napag-alamang unang tinaga ni Marlon ang kanyang 26-anyos na pamangking si Arthur Agbong, na nakatakbo pa kahit natamaan sa dalawang kamay at ulo at nagpasaklolo na sa kanilang mga kapitbahay.